6 STUDES SUGATAN SA RUMARASAGANG KOTSE

nasagasaan

ANIM na college students ang sugatan matapos salpukin ng rumaragasang kotse na minamaneho ng isang Nigerian national at binangga rin nito ang isang nakaparadang motorsiklo noong Huwebes ng umaga.

Lima sa biktima ay isinugod sa Perpetual Help Medical Center sanhi ng mga tinamong sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan na kinilalang sina Michelle Diaz; Mae Zosimo; Warren Malanan; John Christian Martine at Rizza Enriquez, kapwa 1st year college students sa Dr. Felimon Aguilar Industrial Technology at naninirahan sa Barangay CAA, Las Piñas City. Isa sa biktima na hindi pa nakikilala ay isinugod sa Las Piñas Doctor’s Hospital.

Kasalukuyang nakakulong sa Las Piñas City Traffic Bureau ang driver na si Jeorge 0uli, 41-anyos, na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries at damage to property.

Sa report na natanggap ng Las Piñas City Police, dakong alas-11:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa panulukan ng Dhalia at  Ever­lasting Sts., Dona Manuela Subdivision, Barangay Pamplona Tres, Las Piñas City. Nabatid na ang mga biktima ay masayang naglalalakad sa naturang lugar nang biglang humarurot ang isang Honda Civic  na may plakang URC-518 at minamaneho ng nasabing dayuhan.

Hindi umano nakontrol ng suspek ang preno ng kanyang sasakyan hanggang sa mahagip nito ang anim na estudyante at bukod pa sa sinalpok nitong nakaparadang Honda motorcycle na may no. 1301-0644033 na pag-aari ni Jurjen Michael Belar­mino. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.