NASA 60% na umano ang naideklarang drug cleared and drug free sa Isabela makaraang isagawa ng Isabela Volunteers Againts Crime (IVAC) ang drug clearing operation na pinamumunuan ng kanilang chairman na si Ismael Atienza.
Ayon kay Atienza, ang pinakahuling naideklarang drug cleared ay ang mga bayan ng San Mateo, San Guiliermo, na susundan ng Aurora, Angadanan, Luna at Burgos, Isabela.
Ang puntirya ng pamunuan ng Ivac ay ang 80% sa mga bayan ng lalawigan ng Isabela ay kailangang maideklarang drug free at drug cleared bago umano bumaba sa termino si Isabela Governor Faustino ‘’Bojie’’ Dy, III bilang punong lalawigan, at siya ay magiging bise gobernador ng nasabing lalawigan.
Dahil sa rito na nakatakdang magsumite ng kanilang report ang lahat ng mga hepe ng pulisya sa mga bayan ng lalawigan bago ang nakatakdang State of The Provincial Address ni Gov. Dy.
Bagaman marami na ang kanilang mga nahuhuli na may kaugnayan sa ilegal na droga ay marami naman umanong mga nagtutulak ng droga ang lumipat sa pagtutulak ng marijuana kung saan pangunahin pa rin ang mga bayan ng Ifugao at Kalinga na pinagmumulan ng Marijuana na ibinebenta sa Santiago City at iba pang lugar sa lalawigan. IRENE GONZALES
Comments are closed.