61 PUI LIGTAS NA SA VIRUS, 4 MINOMONITOR PA

PUI

BULACAN – APAT na tao na may history nanag-travel sa ibang bansa mula sa 65 ang nasa ilalim ng person under monitoring (PUM) sa kani-kanilang mga bahay sa lalawigang ito.

Base sa inisyal na report ni  Annie Mendoza Balinguit na siyang Disease Control Program Coordinator ng Bulacan Provincial Health Office.

Sa naturang bilang, nasa  61 na isinailalim sa person under investigation (PUI) ang  idineklara nang cleared sa Coronavirus disease (COVID-19).

Samantala, umapela naman ang mga mamamayan na maging maagap ang kinauukulan sa pagbibigay ng impormasyon na may kaugnayan sa nakakamatay na sakit na ito.

Ito ay upang maiwasan na ang pagkakaroon ng takot sa publiko, lalo pa at madalas ang abiso ng Department of Health sa COVID-19 na pumalo na sa 20 Filipino ang nagpositibo sa sakit sa buong bansa.

Gayunman, muling ipinaalala sa mga mamamayan na ugaliin ang pagiging malinis sa katawan, tulad ng paghuhugas ng kamay.

Hinimok naman ni Governor Daniel Fernando na huminahon at maging kalmado ang bawat isa, upang maiwasan ang takot at pangamba. THONY  ARCENAL

Comments are closed.