CAPIZ – PINAGTATAGA ng sariling pamangkin ang isang 62-anyos na lalaki sa Barangay San Nicholas, Tapaz.
Kinilala ang biktima na si Esmundo Gapi at residente rin ng naturang lugar.
Sa imbestigasyon ng Tapaz Municipal Police Station na si Police Senior Master Sergeant Rocer Garde, inihayag nito na nakaalitan ng biktima ang suspek na pamangkin nito na si Joey Melicado, 35-anyos.
Nag-ugat ang pagtatalo ng dalawa dahil ikinagalit umano ng suspek ang pagpapahiram ng biktima ng kaniyang charger at battery ng sasakyan na hin-di man lang ipinaalam sa kanya.
Dahil sa init ng kanilang alitan ay nagtangka umanong kumuha ng itak ang biktima ngunit inunahan na ito ng taga ng suspek gamit naman ang kaniyang itak.
Nagtamo ng mga pantal na sugat sa likod na bahagi ng ulo, kanang kamay, tiyan at likod ang biktima dahil sa pananaga ng suspek.
Dinala pa ang biktima sa ospital ngunit kaagad rin itong binawian ng buhay.
Nakaaresto na sa Tapaz Municipal Police Station ang suspek matapos kusa itong sumuko sa mga pulis. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.