ILOILO – ANIMNAPU’T APAT katao na nahuli sa pamimili ng boto sa kasagsagan ng halalan ang sinampahan na ng kaso sa lalawigang ito.
Ayon kay Iloilo Police Provincial Office (IPPO) Director PCol. Marlon Tayaba, kinasuhan ng paglabag sa Section 261 ng Omnibus Election Code ang apat sa 64 na mga nahuling nagsasagawa ng vote buying.
Ayon kay Tayaba, ang mga ito ay nagmula sa mga bayan ng Concepcion, Lambunao, Barotac Nuevo at Calinog, Iloilo.
Tumanggi ang mga naaresto na isiwalat ang mga nasa likod ng pamimili ng boto. GELO BAIÑO
Comments are closed.