66K TABLETS IPAMIMIGAY PARA SA BLENDED LEARNING

Oca Malapitan

AABOT sa 66,000 tablets ang ipamimigay ng pamahalaang lungsod ng Caloocan sa mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralang nasa Grade 9 hanggang 12 para sa blended learning system.

Inihayag ni Mayor Oscar Malapitan sa kanyang State of the City Address na batid nito ang kahalagahan ng edukasyon, lalo ngayong ipinapatupad na ang blended distance learning kaya’t isasagawa ang pamimigay ng nasabing gadgets.

Kaugnay nito, libreng modules naman ang makakamit ng mga nasa kinder hanggang Grade 8.

Sinuportahan din ng alkalde ang  nais ng division of city schools ng lungsod na bumili ng makina para sa paggawa ng modules at iba pang kagamitin para sa paglilimbag nito. VICK TANES

Comments are closed.