67 PANG PINOY MAGTATANGKA SA OLYMPICS

Tokyo Olympics

MATAPOS na mata­gumpay na makapasa sa qualifying sina pole vault specialist Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo, at boxers Felix Eumier Marcial at Irish Magno, 67 aspirants pa mula sa 18 National Sports Associations (NSAs), kasama sina Olympians Hidilyn Diaz, Eric Shawn  Cray, Kirstie Elaine Alora at Juan Miguel Tabuena ang maghahangad na makapasok sa Tokyo Olympics.

Bukod  kina Cray, Diaz at Alora, ang iba pang mga atleta na makikipagsapalaran  ay kinabibilangan nina  Fi­lipino-Americans  Natalie Rose Uy, Kristina Marie Knott at William Morrison, Nesthy Petecio, Ian Clark Bautista, reigning marathon queen Christine Hallasco, Asian Games gold medalist Filipino-Japanese Yuka Saso, Margielyn Didal, Pauline Lopez, Dottie Ardina, at Marion Kim Mangrobang.

Hindi man lahat palarin sa kanilang kampanya na makalaro sa Olymics dahil matindi ang kanilang pagdaraanan, kumpiyansa si Philippine Olympic Committee (POC) president at PhilCycling head Abraham “Bambol” Tolentino na hindi pahuhuli ang mga Pinoy.

“I’m pretty optimistic some of our aspirants will pass the qualifying with flying colours,” sabi ni Tolentino.

Umaasa si Tolentino na may makapag-uuwi ng medalya dahil lahat ng  aspirants ay malakas, beterano at may kakayahang manalo sa kanilang paboritong sports.

Naglaan ang Philippine Sports Commission (PSC) na pinamumunuan ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez ng ma­laking budget para sa kampanya ng mga atletang Pinoy.

Ang Tokyo Olympics ay ipinagpaliban sa susunod na taon dahil sa COVID-19 pandemic.        CLYDE MARIANO

 

Comments are closed.