CAMP CRAME – AMINADO si PNP Chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde na madaragdagan ang bilang ng 674 na mga pulis na kanilang kinasuhan bunsod ng reklamong paglabag sa karapatang pantao kung hindi aniya susunod ang mga pulis ng batas hinggil sa human rights.
Una nang napaulat na 19 sa lumabag ay sinibak na sa serbisyo makaraang mapatunayang guilty habang ang iba ay pinatawan ng parusa gaya ng 1 rank demotion habang ang iba ay sinuspinde.
Paglilinaw ni Albayalde na ang nasabing bilang ay simula noong July 2016 hanggang May 2018.
Paliwanag ng PNP chief, ang kanyang paglalahad ay patunay ito na hindi nila kinukunsinti ang mga kabarong lumalabag sa karapatang pantao at umaabuso sa kanilang awtoridad at uniporme.
Sa record, ang pinakamataas na ranggo na sinampahan ng human rights violation ay dalawang police superintendents, 31 police chief inspectors, 238 ay mga PO1.
Sinabi ni Albayalde, sa 674 na mga PNP respondent na nahaharap sa human rights cases, nasa 279 dito ay mula sa PRO-4A, 90 ang sa NCRPO, umaabot sa 39 mula sa NHQ at 37 sa PRO-8.
Kabilang naman sa human rights cases na kinakaharap ng mga akusadong pulis ay nagmula sa homicide, illegal arrest with grave threats, violation of POP, violation of Anti-Torture Act, maltreatment at abuse of detained person. EUNICE C.
Comments are closed.