CAMP AGUINALDO-PINANGUNAHAN ng mga tauhan ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Gilbert Gapay ang pamamahagi ng 6,000 family food packs (FFP) na bahagi ng P250 million na donasyon ng Asian Development Bank kahapon sa Brgy. Hulong Duhat, Malabon City.
Ang pamilya ay mula sa Barangay Hulong Duhat, Malabon City at layunin ng ADB na matulungan ang mahihirap na pamilya na apektado ng pinaiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Pinasalamatan ni Brgy. Chairman Anthony Velasquez ang ADB at Philippine Army, kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil kabilang ang kanilang lugar sa napili na pagkalooban ng ayuda at ito umano ang pinakamalaking tulong na kanilang natanggap mula ng magpatupad ng Luzon-wide enhanced community quarantine. VERLIN RUIZ
Comments are closed.