6TH WIN ASAM NG ELITE, HOTSHOTS

elite vs hotshots

Standings:

W       L

TNT Katropa       8       1

NorthPort           8       2

Magnolia             5       2

Blackwater          5       3

Brgy. Ginebra    5       4

Phoenix               4       4

Alaska   4       5

Rain or Shine      3       5

Meralco               3       6

SMB                       2       5

Columbian          2       7

NLEX      2       7

 

Mga laro ngayon:

(Mall of Asia Arena)

4:30 p.m. – Blackwater vs

Magnolia

7 p.m. – NLEX vs San Miguel

TATLONG koponan – Blackwater at sister teams Magnolia at San Miguel Beer –ang determinadong magwagi  upang mapalakas ang kanilang kampanya sa quarterfinals sa kanilang pagsalang sa pagpapatuloy ng PBA Commissioner’s Cup ngayon sa Mall of Asia.

Magsasagupa ang Elite at Hotshots sa alas-4:30 ng hapon na susundan ng  sagupaan ng Beermen at NLEX Road Warriors sa alas-7 ng gabi.

Ang Hotshots (5-2) ay sumasakay sa five-game winning streak habang ang Elite (5-3) ay may two-game slide.

Ang isa pang panalo ng Magnolia ay magtatabla sa kanila sa TNT na may pinakamahabang winning streak sa torneo, at higit sa lahat ay magpapahigpit sa kanilang kapit sa ika-3 puwesto at magpapalakas sa kanilang kampanya para sa top two finish na may kaakibat na twice-to-beat advantage sa quarterfinals.

Muling pamumunuan ni James Farr ang opensiba ng Magnolia, katuwang ang deadly trio nina Paul Lee, Mark Andy Barroca at Jio Jalalon, at aalalay naman sina Rafi Reaves at Ian Sangalang sa shaded lane laban sa bigmen ng Blackwater na sina Abu Tratter at Joseph Eriobu.

Tatapan nina Michael Vincent Digregorio, Rey Mark Belo, Roi Sumang at Allein Maliksi ang front line ng Magnolia at dito malalaman kung sino sa kanila ang pinakamagaling sa perimeter area.

Mababa ang morale ng SMB matapos na matalo sa ‘giant slayer’ Columbian at kailangan ng Beermen na mamayani para lumakas ang kanilang kampanya sa susunod na round.

“We have to win this game at all cost. I reminded my players to forget the defeat to Columbian Dyip and focus their attention against NLEX,” sabi ni coach Leo Austria.

Hawak ng Beermen, ang reigning Philippine Cup champion, ang 2-5 kartada. Sa sanda­ling matalo ulit ay malalagay sa balag ng alanganin ang kanilang kampanya.

Sa import match-up ay lamang si Charles Rhodes ng SMB kay Olu Ashaolu, ang pangatlong import ng NLEX. Ang unang dalawa na kapwa maagang napauwi dahil sa hindi impresibong ipinakita ay sina Cyrus Washington at Tony Mitchell. CLYDE MARIANO

Comments are closed.