IPADE-DEPORT pabalik sa kanilang bansa ang pitong Chinese na inaresto ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa pagtatrabaho sa isang sand dredging activity ng walang kaukulang working visa permit sa Masinloc, Zambales.
Sa report kay BI Commissioner Jaime H. Morente, ang 7 Chinese national ay inaresto ng pinagsamang puwersa ng BI Intelligence agents mula sa Maynila at Region 3 sa pakikipagtulungan ng PNP 305th Maneuver Company Regional Mobile Force Battalion (RMFB) at Regional Special Operations Group (RSOG) Region 3.
Ayon kay BI Intelligence Officers Ricardo Cabochan at John Mendez, na nanguna sa pag-aresto, 6 na sasakyang pandagat ang kanilang inakyat kabilang ang “Sand Carrier Horner 1” kung saan inaresto sina Chen Shiniu at Chen Shaoshao habang sa “Dredger Warrior 6” kung saan nakita sina Xu Xiansheng, Jiang Xin, Zhao Yihong, Gong Yaan at Xie Yuhong, na pawang mga Chinese national.
Sa ginawang beripikasyon at pagtatanong sa mga dayuhan, ipinakita nila ang kanilang mga pasaporte na tourist visa sila pero pawang mga over-staying na ang mga ito at walang kaukulang work permit. PAUL ROLDAN
Comments are closed.