INILABAS ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) noong Martes ang red tide alert sa pitong coastal areas sa anim na lalawigan sa bansa.
Ligtas namang kainin ang pusit, hipon at alimango basta sariwa at hinugasang mabuti at ang mga lamang loob ay tinanggal bago iluto.
Samantala, nananatili namang ligtas sa nakalalasong red tide ang mga sumusunod na lugar: coastal waters ng Cavite, Las Piñas, Parañaque, Navotas, Bulacan, at Batsan (Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay, at Samal) sa Manila Bay; mariculture areas sa Infanta, coastal waters of Bolinao, Anda, Alaminos, Sual, a Wawa, Bani sa Pangasinan; mariculture areas sa Rosario, at Sto. Tomas sa La Union; at coastal waters ng Pampanga.
Kabilang din sa mga lugar na idineklara ng BFAR na walang red tide ang Masinloc Bay sa Zambales; Pagbilao Bay, Pagbilao, at coastal waters ng Walay, Padre Burgos sa Quezon; Honda, at coastal waters ng Inner Malampaya Sound, Taytay sa Palawan; coastal waters ng Mandaon sa Masbate; Sorsogon Bay, at Juag Lagoon, Matnog sa Sorsogon; coastal waters ng Borongon, San Dionisio sa Tioilo; Saplan Bay (Ivisan at Sapian) sa Capiz; Mambuquiao at Camanci, Batan sa Aklan ;coastal waters ng Altavas, Batan, at New Washington sa Batan Bay, Aklan; coastal waters ng Pontevedra; Panay Pilar;Roxas City at President Roxas sa Capiz.
Ang iba pang lugar sa bansa na ligtas sa red tide ay ang coastal waters ng E.B. Magalona, Talisay City, Silay City, Bacolod City, Hinigaran, at Victorias City sa Negros Occidental; Tambobo, at Silt Bays, Siaton, at Bais Bay, Bais City sa Negros Oriental; coastal waters ng Daram, Calbayog, at Zumarraga, Cambatutay, Irong-irong, Maqueda at Villareal Bays sa Samar; coastal waters ng Guiuan sa Eastern Samar; coastal waters ng Leyte, Calubian, Ormoc, Sogod, at Carigara Bay at Cancabato, Tacloban City sa Leyte; coastal waters ng Biliran Island; Tantanang Bay sa Zamboanga Sibugay, Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte, at Sapang Dalaga, and Baliangao sa Misamis Occidental; Pangull Bay, Tangub City, at coastal waters ng Ozamiz City sa Misamis Occidental; coastal waters ng Baroy sa Lanao del Norte; Taguines Lagoon, Benoni, Mahinog sa Camiguin; Balite, at Pujada Bays, Mati City sa Davao Oriental; Tagabuli Bay sa Davao del Sur; Malalag Bay sa Davao Occidental sa Davao del Sur; at coastal waters ng Hinatuan, Lianga, sa Cortes, at Bistig Bay sa Surigao del Sur.
MA. LUISA MACABUHAY-GARCIA