PARAÑAQUE CITY – HINDI umubra sa pananamantala sa paggunita ng Undas ang mga sindikato ng human trafficking matapos maharang ang pito nilang biktima ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay BI port operations division chief Grifton Medina, ang dalawang biktima ng trafficking at naharang sa NAIA’s terminal 3 habang papasakay ng flight patungong Hongkong at United Arab Emirates bilang mga household service workers (HSWs).
Habang ang lima pang biktima ay naharang bago makaalis patungong Kuala Lumpur Malaysia kung saan ilegal silang inempleyo bilang factory workers sa Poland.
“These syndicates are mistaken if they thought they could succeed in bringing their victims out of the country while our immigration officers are very busy servicing thousands of passengers who are vacationing here and abroad during the Undas break. We were prepared for them, hence these interceptions,” ani Medina
Napag-alamang na nakuha mula sa pag-iingat ng dalawang pasahero patungong Hongkong ang pekeng overseas employment certificates at labor assistance center clearances na kanilang iprinisinta upang masabing legitimo silang overseas contract workers.
Nahikayat naman umano ang mga pasaherong Poland-bound factory workers ng isang recruitment agency na sinuspinde na ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) dahil sa paglabag sa rules and regulations.
Naiturn-over na sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang pitong pasahero para sa imbestigasyon at pag-sasampa ng kaukulang kaso laban sa kanilang mga recruiters. PAUL ROLDAN/FROI MORALLOS
Comments are closed.