BULACAN – INARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pitong kalalakihan na sina Simeon Francisco De Mesa, Jose Genaro Limlengco Catolico, Conrado Flores Sarmiento, Jayson Caddawan Dumlao, Narciso Nepalea Alcesto, Jr., Rommel Malab Tulayao at Ronnel Cardeno Zacarias na pawang sangkot sa illegal quarrying sa bayan ng Angat.
Ayon sa NBI Environmental Division nag-ugat ang pag aresto mga suspek sa reklamo ng isang complainant, laban sa isang Lito Mariano, opisyal ng barangay na umano’y sangkot sa illegal quarrying sa Brgy. Encanto at Brgy. Banaban sa nabanggit na bayan.
Ayon kay Atty. Czar Nuqui, ang pinuno ng Environmental Crime Division (ECD) ng NBI, una na silang nakatanggap ng impormasyon kaugnay sa malaking illegal quarrying site.
Kasama ng NBI ang ilang tauhan ng Mines and Geosciences Bureau ng DENR, sa inilatag na entrapment operation at nagpanggap na buyer ang isa nilang ahente sa illegal quarrying site.
Kung saan tinatanggap nang isa sa mga trabahador ng quarrying site ang halagang P5 libong piso para sa binibiling panambak.
Ang quarrying ay napatunayan ng NBI na walang permit mula sa DENR at tanging special permit lamang na inisyu ng Bulacan Environment and Natural Resources na pirmado ni Gobernor Wilhelmino Alvarado.
Nilinaw ng NBI na depektibo ang naturang permit dahil hindi umano ito dumaan sa Promining Regulatory Board(PRB).
Aabot naman sa higit P7 milyong piso ang halaga ng mga kinumpiska na heavy equipments.
Kasong paglabag sa Section 103 ng Republic Act 7942 ng Philippine Mining act of 1995 na may multa at pagkakakulong na hanggang anim na taon at paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act. THONY ARCENAL
Comments are closed.