7 NATABUNAN SA LANDSLIDE

Landslide

BAGUIO CITY- PITO katao ang namatay mula sa Ifugao at Benguet makaraang matabunan ng putik at bato sanhi ng landslide dulot ng hagupit ng Bagyong Ulysses noong Huwebes ng gabi.

Base sa ulat ni Cordillera Police Director  Brig.Gen. Rwin Pagkalinawan, ang mga narekober sa landslide  ay ang driver ng DPWH na si Joel Churig  na-deformed ang ulo at walang braso; Lance Bruce Guinyang,3-anyos gayundin ang mga biktimang sina Dante Boqueng; Johny Cabbigat Duccog at Jose Piog, 71-anyos na mula sa residente ng Sitio Mabuti sa Barangay Viewpoint sa bayan ng Banaue, Ifugao.

Kasalukuyang nagpapatuloy ang retrieval operation sa  6 pang residente na natabunan ng makapal na putik at bato sa landslide area.

Nalibing din ng buhay ang 60-anyos na magsasakang si Felix Boguite sa Purok Talete, Sitio Busoc, Brgy. Poblacion sa bayan ng Atok, Benguet noong Huwebes ng umaga habang nagluluto sa kusina ng kanyang bahay.

Samantala, ang 30-anyos na lalaki naman ay namatay din  sa Brgy. Sebang, bayan ng Buguias, Benguet na natabunan ng putik at bato habang nag-aayos ng kanyang sasakyan kahit malakas na ang hangin at ulan noong Huwebes.

Narekober naman ang katawan ng biktima bago naisugod sa Lutheran Hospital subalit idineklarang patay.

Patuloy naman tumataas ang death toll sa  Cordillera landslide simula noong Huwebes ng hapon. MHAR BASCO

Comments are closed.