7 PINOY BOXERS BIYAHENG JORDAN

PH BOXERS

PUPUNTA ang pitong Pinoy boxers, sa pangu­nguna nina World Boxing gold medalist Nesthy Petecio at silver medalist Felix Eumir Marcial, sa  Jordan para lumahol sa Olympic qualifying sa March 3-11.

Unang itinakda ang torneo ngayong February sa Wuhan, China at napilitan ang AIBA na ilipat ito sa Jordan dahil sa banta ng deadly 2019 novel coronavirus. Ang AIBA ang governing body ng amateur boxing at pinanga­ngasiwaan ang boxing sa Olympic Games.

“The cancellation of the tournament gabe our boxers enough time to prepare and hone up their skills,” sabi ni ABAP secretary general Ed Picson sa panayam ng PILIPINO  Mirror.

Ito ang unang beses na gagawin ang Olympic qualifying sa Middle East. Lalahukan ito ng mga boxer galing sa mahigit 40 mga bansa.

Bukod kina Petecio at Marcial, ang iba pang Olympic aspirants ay sina James Palicte, Joel Batio, at Filipiono-British John Tupaz Marvin.

Lahat ay medallists sa katatapos na 30th Southeast Asian Games kung saan humakot ang boxing ng pitong ginto, tatlong pilak at dalawang tanso.

Maglalaban sina Jogen Ladon at Carlo Paalam sa 52kg. at ang mananalo ay sasalang sa qualifying round.

Gagawin ang ibang qualifying sa Argentina, France, London at Se­negal.

Inamin ni Picson na matinding hamon at pagubok ang pagdaraanan  ng mga Pinoy at kaila­ngang gamitin nila ang lahat ng nalalaman sa bo­xing upang matupad ang pangarap makapaglaro sa 2020 Tokyo Olympics.

“The road ahead is long and winding in their quest for Olympic berths. They have to work hard, double their efforts, and utilize all their boxing skills and experience to make it,” sabi ni Picson.

“Sana mag-qualify sila. Let’s pray for their success. After all, their success is also our success,” wika ni Picson.

Ang kampanya ng mga Pinoy boxer sa qualifying ay sinuportahan ng Philippine Sports Commission (PSC) na pinamumunuan ni Chairman William Ramirez, Philippine Olympic Committee (POC) president Cavite Rep. Abraham Tolentino, at ng ABAP. CLYDE MARIANO