7 PINOY SEAFARERS KABILANG SA MGA DINUKOT SA NIGERIA

NIGERIA

ONITSHA, Nigeria – PITONG Filipino ang kabilang sa 12 tripulante ng isang Swiss ­merchant vessel na dinukot ng mga pirata sa Nigeria, ayon sa maritime agency ng West ­African nation.

Kinidnap ang mga ito noong Sabado mula sa barko na naglalayag sa pagitan ng mga lungsod ng Lagos at Port Harcourt. Ayon sa operator ng barko, nangyari ang pag-atake, 45 nautical miles southwest ng Bonny Island.

Sinabi ng Nigerian Maritime Administration and Safety Agency (NIMASA) na pito sa mga dinukot ay mula sa Filipinas habang tig-iisa mula sa Slovenia, Ukraine, Romania, Croatia at Bosnia.

Karaniwan nang problema sa ilang bahagi ng Nigeria ang kidnapping for ransom at ilang dayuhan na rin ang dinukot sa mga nakalipas na taon sa southern Niger Delta region na pinagkukunan ng langis.    EUNICE C.

Comments are closed.