NANATILING buo ang roster ng NLEX Road Warriors kung saan pitong players nito ang pumirma sa contract extensions noong Huwebes.
Pinangunahan ni Veteran big man JR Quinahan ang mga player na muling pumirma sa Road Warriors sa isang simpleng seremonya na dinaluhan nina team general manager at head coach Yeng Guiao, PBA Board Governor at Metro Pacific Tollways Corporation President and Chief Executive Officer Rod Franco, NLEX Vice President for Tollway Development and Engineering Nemy Castillo, at team representative Ronald Dulatre.
Si Quinahan ang third leading scorer ng Road Warriors sa nakalipas na PBA Philippine Cup, kung saan may average siya na 13.8 points, 6.5 rebounds, at 3.0 assists per game.
Pumirma rin si vastly-improved player Raul Soyud ng bagong kontrata sa Road Warriors bago niya sinamahan ang Gilas Pilipinas training pool sa isang training ‘bubble’ sa Calamba, Laguna kahapon.
Si Soyud ay may average na 10 points at 6.8 rebounds sa Philippine Cup ‘bubble’ sa Angeles, Pampanga.
Ang iba pang players na pumirma ng bagong kontrata sa Manny Pangilinan-owned squad ay sina Mike Miranda, forwards Kris Porter at Will McAloney, guard Kenneth Ighalo, at swingman Bong Galanza.
Nakatakda ring pumirma si defensive specialist Paul Varilla subalit naka-quarantine pa siya makaraang umuwi mula sa United States.
Pumirma rin ng contract extensions sa NLEX noong nakaraang Setyembre sina star guards Kiefer Ravena at Kevin Alas.
Sisikapin ng NLEX na makabawi mula sa 9th place finish sa nakalipas na Philippine Cup, kung saan kinapos sila ng isang panalo para makapasok sa playoffs. Tumapos ang Road Warriors na may 5-6 kartada.
Sinabi ni Guiao na maraming natutunan ang koponan mula sa mahigit isang buwang pananatili at paglalaro sa loob ng Clark bubble, na maaaring magamit ng Road Warriors sa nalalapit na season.
“We’ll take those lessons with us and be able to come out as a better team,” ani Guiao.
Now we’d like to start early, we’d like to be prepared physically and mentally.”
Comments are closed.