CAVITE – ARESTADO ang pitong tulak ng droga makaraang makumpiskahan ng P26k halaga ng shabu sa isinagawang magkakasunod na anti-drug operation ng mga operatiba ng pulisya at PDEA 4A sa bahagi ng General Trias City kahapon ng madaling araw.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek na sina Mark “Avien” Arvin Columna y Lucero, 21, ng Brgy. Tapia; Shirley “She” Mantid y Solayao, 34, ng Propical Village, Pabahay 2000, Brgy. San Francisco; Gemmel “Mac-Mac” Torralba y Lacre, 29, ng Brgy. San Francisco; alyas Bibi” Alonto y Sarif, 20; Mariel Mae Mercurio y Berdaje, 25; Gerardo Marquez Sr. y Navarro, 44, pawang nakatira sa Tropical Village, Brgy. San Francisco; at si Reynaldo “Aplong”Almadin y Garcia, 30, ng Gate 1, Brgy. Javalera, General Trias City.
Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, isinagawa ang drug bust operation bandang alas-2 ng madaling araw kung saan naaktuhan ang mga suspek na nagpapakalat ng shabu sa kani-kanilang lugar.
Nasamsam sa mga suspek ang 4.0 gramo ng shabu na may street value na P26k, mga drug paraphernalia, at mark money na ginamit ng awtoridad sa drug operation.
Isinailalim sa drug test at physical examination ang mga suspek habang pina-chemical analysis naman sa Cavite Crime Laboratory sa Imus City ang nasamsam na shabu na gagamiting karagdagang ebidensiya sa pagsasampa ng kasong kriminal. MHAR BASCO
Comments are closed.