CAVITE – PITO katao na sinasabing nasa drug watchlist bilang tulak ng droga ang naaresto ng mga awtoridad makaraang makumpiskahan ng P380,800 halaga ng shabu sa magkasunod na anti-drug operation sa bahagi ng Dasmariñas City kamakalawa at kahapon ng madaling araw.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ang mga suspek na sina Mylene Mangulabnan y Gardiola, 28; Marlon De Ocampo y Penano, 36, kapwa nakatira sa Brgy. Burol 1; Owaida H. Nor y Calmat, 35; Basari Mike y Diamla, 29; Daro Hajiamen y Camolang, 50; Arnel Crusio y Sisnero, 35; Rachelle Cacamanta y Carson, 32, pawang nakatira sa Brgy. H2, Dasmariñas City.
Base sa police report na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia, ang mga suspek ay nakumpiskahan ng 12 plastic sachets na shabu (56 gramo) na may street value na P380,800.00.
Nabatid na isinailalim sa surveillance ang mga suspek na patuloy sa kanilang drug trade kung saan nagiging sakit ng ulo ng mga opisyal ng barangay dahil ang mga biktima ay pawang kabataan.
Dito na inilunsad ng arresting team ng pulisya at Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA 4A) ang anti-drug operation kaya nasakote ang mga suspek na pasaway.
Kasalukuyang isinailalim sa drug test at physical examination ang mga suspek habang pina-chemical analysis naman sa Cavite Provincial Crime Laboratory ang nasamsam na shabu para gamiting ebidensya sa pagsasampa ng kaukulang kaso na may kinalaman sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. MHAR BASCO
Comments are closed.