70 CHINESE BIZMEN INTERESADONG MAG-INVEST SA PH

chinese

BUMISITA sa bansa ang isang Chinese delegation na binubuo ng 70 business executives upang maghanap ng investment opportunities dito, ayon sa Board of Investments (BOI).

Sa isang statement, sinabi ng BOI na tinanggap nito ang 70-man business delegation ng Chinese Enterprises Philippine Association (CEPA) na pinangunahan ng presidente nito at Bank of China (BOC) country head for the Philippines Hu Xinquan noong nakaraang June 15 sa Makati City.

Ang 70 Chinese executives ay naghahanap ng mga oportunidad sa bansa, lalo na sa mga sektor ng engineering and construction, finance, trade, telecom, energy, agriculture, at manufacturing industries.

Ayon sa BOI, ang business mission sa bansa ng Chinese delegation ay bahagi ng kooperasyon sa ilalim ng Memorandum of Understanding (MOU) on Investment Promotion na nilagdaan ng BOI at BOC noong nakaraang Jan. 4 nang bumisita si Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. sa Beijing.

“After the State Visit in China, more Chinese enterprises are even more eager to accelerate their business in the Philippines. BOI, DTI (Department of Trade and Industry), and the Bank of China will be able to help CEPA members to grow their investments in the Philippines,” ani Hu.

Hinikayat ni DTI Undersecretary at BOI Managing Head Ceferino Rodolfo ang mga Chinese investor na subukang mag-invest sa mineral processing value chain ng bansa.

“We are not blessed with fossil fuel but we have an abundance of green metals. We are currently the number one exporter of nickel direct shipping ore in the world, with 22 producing nickel mines in 2021. This opens up opportunities for mineral processing and battery manufacturing, in support of the electronic vehicle global supply chain,” sabi ni Rodolfo.

PNA