70 SENATORIAL CANDIDATES DISQUALIFIED

james jimenez

MAY  70 senatorial candidates at 28 partylist groups na ang diniskuwalipika ng Commission on Elections (Comelec) sa nalalapit na midterm elections.

Tumanggi muna si Comelec Spokesperson James Jimenez na tukuyin ang mga pangalan ng mga diniskuwalipika nilang 70 senatorial candidates dahil maaari pa naman aniya nilang iapela ang natu­rang desisyon ng poll body.

Sakali namang mabigo silang iapela ang desisyon sa loob ng limang araw matapos silang maimpormahan hinggil dito ay rito na sila iisyuhan ng Comelec ng certificate of finality.

Samantala, ang bilang naman ng mga partylist group na nagnanais na lumahok sa halalan ay bumaba na sa 154 mula sa dating 182, na nangan-gahulugang 28 na sa kanila ang diniskuwalipika ng Comelec.

Sinabi ni Jimenez na maaari pang bumaba ang naturang bilang dahil sa ginagawang patuloy na paglilinis ng poll body sa listahan ng mga kandidato.

Muli rin namang sinabi ng poll official na target nilang mailabas na ang pinal na listahan ng mga kandidato bago ang ikatlong linggo ng Enero, kung kailan nakatakda na nilang simulan ang pag-iimprenta ng mga balota para sa halalan.

Ang National and Local Elections (NLE) sa bansa ay nakatakdang idaos sa Mayo 13, 2019. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.