ni Riza Zuniga
Tayabas, Quezon — Mula Oktubre hanggang Nobyembre 2022, sasalang ang mahigit na 700 Child Development Workers (CDWs) sa lalawigan ng Quezon sa tatlong araw na Provincewide Training sa New Assessment Tool at Stakeholders Management. Iba’t ibang grupo mula sa bawat bayan sa lalawigan ng Quezon ang magkakasama sa bawat linggo ng pagsasanay.
Sa pagtutulungan ng Association of Local Social Welfare and Development Officers of the Philippines, Inc. (ALSWDOPI), sa pangunguna ng Pangulo na si Jerwin Navarro; Provincial Social Welfare and Development Office sa Lucena, sa pamamahala ni Sonia Leyson, PSWD Officer ng Lucena City; Department of Interior and Local Government (DILG), mga Mayors at Barangay Captain sa lalawigan ng Quezon, inihahanda ang mga CDWs sa accreditation ng Child Development Centers sa bawat barangay.
ANg SWO IV ng Lucena na si Nancy Ilagan ang nagpaliwanag tungkol sa mga batas na may kinalaman sa mga bata at pag-isa-isa sa “Guidelines on the Registration and Granting of Permit and Recognition to Public and Private Child Development Centers/Learning Centers offering Early Childhood Programs for 0 to 4 years old Filipino Children.”
Ang nagbigay ng mga gawain at pagpapalalim ng kaalaman para higit na maunawaan ang New Assessment Tool ay si June Dela Peña at si Riza Zuñiga, nagsusulat para sa Pilipino Mirror, ang nagpaliwanag ng Stakeholders Management, Negotiation at Persuasion, at Resource Mobilization.
Nagmula ang 73 kalahok mula sa bayan ng Calauag, ang unang grupong sumalang noong Oktubre 3-5, 2022 sa Nawawalang Paraiso Resort & Hotel, Tayabas, Quezon. Ang mga Child Development Workers na nagsilahok ay suportado ni Mayor Rosalina O. Visorde ng Calauag, Quezon.
Sa tala ng Municipal Social Welfare and Development Office ng Calauag, nakararami ang bilang ng CDWs mula sa gulang na 31 – 50, may 41 ang kalahok; sa gulang na 51 taong gulang pataas, may 20 ang lumahok; at sa gulang na 30 taong gulang pababa, may 12 ang lumahok at 22 taong gulang ang naitalang pinakabata na Child Development Worker sa bayan ng Calauag.
Ang mga kalahok sa pagsasanay ay nagmula sa 72 Child Development Centers mula sa 81 barangay: Baclaran, Pinagbayanan, Pinagkamaligan, Pinagtalleran, Poblacion 2-5, Sabang 1-2, Sta. Maria, Sta. Maria Curva, Sta. Maria PNR Site, Balibago, Bigaan, Kinalin Ibaba, Patihan, Binutas, Marilag, Maglipad, Pandanan, Sta. Rosa, Kalibo, San Roque Ibaba, San Roque Ilaya, Mambalingm Mabini, Rizal Ibaba, Rizal Ilaya, Anahawan, Yaganak, Bagong SIlang, Bangkuruhan, Biyan, Pansol, Sumilang, Sumulong, Sto. Domingo, Sta. Milagrosa, Apad, Quezon, Apad Lutao, Apad Taisan, Madlandungan, Viñas, Doña Aurora, Katangtang, Ipil, San Quintin, Tabansak, Bantulinao, Bukal, Kuyaoyao, Pinagsakayan, Anas, Atulayan, Buli, Kinamaligan, Kunalum, Lagay, Sta. Cecilia, Sto. Angel, Villa Magsino, Lainglaingan, Sinag, Tamis, Talingting, Maligaya, Dapdap, Villa San Isidro, Tiniguiban at Kapaluan.