71 PBA ASPIRANTS NAGPAKITANG-GILAS

on the spot- pilipino mirror

NAGPAKITANG-GILAS kahapon ang 71 players na lalahok sa PBA Rookie Draft sa isinagawamg Rookie Camp sa may Hoops Center sa Shaw Blvd. Dumating lahat ang mga player na kasama sa PBA Draft na gaganapin sa darating na Linggo sa Robinson’s Place  Manila. Hindi lang nakapaglaro si Aaron Black na may injury. Pero nasa Hoops Center naman siya kasama ng kanyang daddy na si coach Norman Black. Halos lahat ng coaches ng teams ay nandoon para mag-scout sa 71 aspirants players.

Isa sa napansin namin ay itong si Luke Parcero, produkto ng St. Francis of Assissi na hindi gaanong kilala ang school. May nakapagbulong sa amin na star player ito ni coach Gabby Velasco sa kanyang line up sa St. Francis of  Assissi na ilang beses nag-champion sa pangu­nguna ni Parcero. Dahil sa angking husay ay kinuha naman siya ni coach Mark Herrera ng AMA ONLINE Education sa kanyang team sa PBA D-League. Ayon kay coach, mahusay na player si Parcero, bigay todo ang laro at maaasahan kapag kailangan mo siya. Ang laro ni Parcero ay small guard, may taas na 6’0 at nagmula sa Cavite. Minsan na rin niyang pinahanga ang team ng Meralco Bolts ni coach Norman Black nang maka-tune up game ng AMA ang team sa Meralco gym. Hindi makapaniwala si Black na nasu-shootan ni Parcero ang mga nagbabantay sa kanya. Hoping si Parcero na mabigyan siya ng chance na magkaroon ng team sa PBA. Good luck!

Ang iba pang nagpakitang- gilas ay sina Alvin John Capobres, Matt at Mike Nieto, Isaac Go, Jerrick Ba­lanza, Geno Anderson, Hesed Gabo, Christopher Bitoos, Mario Bonleon, Allyn Bulanadi, Simon David Camacho, Mike Canete, Adven Diputado, Richard Escoto, Sean Mamganti, Jayvee at Jaycee Marcelino, James Ragalado, Renz Subido, Arvin Tolentino, Christopher Vito, at  John Wong.



Kinilala ng SPIA Asia (Asia’s Sports Industry Awards & Conference) ang Philippine organizers ng 30th Southeast Asian Games, gayundin si eight-division world boxing champion Sen. Manny Pacquiao sa ginanap na ‘Gabi ng Parangal’ nitong Miyerkoles sa Grand Hyatt Hotel sa BGC, Taguig City.

Nagsagawa muna ng panel discussion, case studies at panayam sa mga pamosong sports personality na tumalakay sa iba’t ibang aspeto ng sports tulad ng business of sports, business of football in Asia, sports and new technology, sports and tourism, integrity at inclusion.

Ang pagbibigay ng parangal sa mga natatanging gawa sa sports ang tampok sa dalawang araw na programa kung saan iginawad sa Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) ang Excellence Award.

Tinanggap ni Phisgoc Chairman at Speaker Alan Peter Cayetano ang tropeo ng pagkilala mula sa prestihiyosong organisasyon na pinamumunuan ni Chief Executive Officer Eric Gottschalk.

Ipinagkaloob naman kay Manny Pacquiao, galing sa impresibong panalo laban kay Keith Thurman sa Las Vegas sa edad na 40, ang ‘Best Asian Sportsman of the Year’ award.