CAMP CRAME -UMABOT sa 71 mga hindi awtorisadong mga sasakyan ang natiketan sa EDSA sa Quezon City kahapon dahil sa paglabag sa umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay PNP Highway Patrol Group Director Police B/Gen. Eliseo Cruz, mula alas-10 ng umaga hanggang ala-1 ng hapon kahapon, 38 mga motorista ang naisyuhan ng Ordinance Violation Receipt at Temporary Operator’s Permit.
Sa ikalawang bugso naman ng operasyon mula alas-4 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi ay 33 mga motorista ang naisyuhan ng TOP at OVR.
Matatandaang kahapon, nagkabulagaan ng magsagawa ng biglaang operasyon ang Metropolitan Manila Development Authority at HPG sa mga sasakyang bumibiyahe sa EDSA.
Dahil sa operasyon, nagkaroon ng humaba ang pila ng mga sasakyan sa EDSA dahil pinatabi ang mga pribadong sasakyan at mga motorsiklo para tanungin kung ano ang dahilan ng kanilang pagbiyahe.
Sinabi naman ni Cruz na magtutuloy-tuloy ang operasyon ng HPG makaraang mapansin nitong mga nakalipas na mga araw ang pagdami ng mga sasakyang bumibiyahe sa EDSA. REA SARMIENTO
Comments are closed.