UMABOT sa 72 scholars ang nagtapos ng iba’t-ibang vocational/technical courses sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na inisponsoran ng Ako Bicol Partylist na ginanap sa Sunshine International School Foundation, Inc., Tagas, Daraga, Albay.
Ayon sa TEADA, mayroong 24 scholars ang nagtapos sa kursong Bread and Pastry NC II kung saan tinutukan ang pag-aaral ng iba’t-ibang sangay sa paggawa ng pastry products at desserts.
Mayroong 24 na scholars sa Cookery NC II na matyagang tinutukan ang paglututo at paghahanda ng mga gulay, karne, poultry at mga seafood dishes.
Habang 24 ang nagtapos sa Electrical Installation and Maintenance NC II kung saan pinag-aralan ang tamang pagkabit ng mga wirings at cabling activities.
Layunin ng pagtatapos na magbigay ng pagkakataon sa mga karapat-dapat na indibidwal na makapag-aral at magkaroon ng mga kasanayan na maghahanda sa kanila para sa trabaho sa iba’t-ibang industriya sa lungsod.
Sa pamamagitan ng mga scholarship, magiging bukas ang mga oportunidad para sa mga mag-aaral na makapasok sa mga kursong magbibigay-daan sa kanilang tagumpay sa mga trabaho at negosyo sa lokal na komunidad.
RUBEN FUENTES