UMAABOT sa 723 reklamo ukol sa umano’y maanomalyang pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) na kinasasangkutan ng mahigit 1,000 elected local officials ang idinulog sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) simula noong Abril hanggang noong nakaraang Biyernes, Agosto 14.
Sa naturang bilang, 336 ang hawak ng PNP-CIDG, 240 dito ang naayos na, 46 pa ang iniimbestigahan habang tatlo naman ang isasampa na sa korte.
Anim na reklamo naman ang idinulog sa ibang ahensiya at may 41 ang hindi maisasampa dahil sa ibat-ibang kadahilanan.
Nabatid na umaabot sa 1063 katao ang isinasangkot sa 723 complaint, kabilang dito ang 455 halal na opisyal na nakasuhan na bukod pa sa 608 purok leaders, barangay secretaries, barangay health at social workers.
“In total, 336 SAP complaints were handled by the Group covering the period of April 1 to August 14, 2020 from 723 complainants against 1063 probable suspects. From these numbers, 240 cases were already cleared, while 46 are still under investigation and three (3) are being readied for filing,” pahayag ng PNP-CIDG.
Kamakailan lang may kinasuhan ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Bayanihan to Heal as One Act sa Quirino Provincial Prosecutors Office, gayundin sa Legazpi City Prosecutors Office.
Isinangkot sa mga iregularidad ang barangay chairman, tatlong kagawad, secretary at treasurer ng Barangay San Pascual sa Diffun, Quirino at ang barangay chairman, secretary at treasurer ng Barangay 27 sa Legazpi City, Albay.
Inakusahan ang mga ito ng pagmamanipula sa listahan ng SAP benificiaries. VERLIN RUIZ
Comments are closed.