730K PASAHERO DUMAGSA SA NAIA SA UNDAS BREAK

NASA 730,000 pasahero ang dumagsa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa All Saints’ Day break.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), sa kasalukuyan ay may 732,573 pasahero ang naitala sa NAIA nitong holiday break.

Sinabi ng MIAA na 88 percent ng 800 flights noong Nobyembre 1 ang nasa oras. Naunang iniulat ng MIAA na mula Oktubre 27 hanggang 29, 2023 ay may kabuuang 381,041 pasahero ang nasa NAIA.

Nasa 1.2 milyong pasahero ang inaasahan ng airport authority para sa Undas 2023.