733 PA NEW RECOVERIES SA COVID-19

DOH

MAY 733 pasyente ang naitalang bagong gumaling sa COVID-19 sa Filipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes, Setyembre  18, umakyat na sa 208,790 ang total recoveries ng COVID-19 sa bansa.

Nasa 3,257 pa ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 kaya umabot na sa 279,526 ang confirmed cases sa Filipinas.

Sa nasabing bilang, 65,906 ang aktibong kaso.

87.5 porsiyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.8 porsiyento ang asymptomatic; 1.1 porsiyento ang severe habang 2.6 porsiyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 47 ang napaulat na nasawi kaya 4,830 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Comments are closed.