QUEZON CITY – NAKAPAGTALA ang Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ni Director, Police Brigadier General Joselito Esquivel Jr. ng 734 na pasaway na kanilang nasita makaraang lumabag sa batas at city ordinances mula alas-5:00 ng umaga noong Hulyo 22 hanggang alas-5:00 ng umaga ng Hulyo 23.
Ang mga nasita ay lumabag sa trapiko, naglakad ng walang suot pang-itaas, paninigarilyo sa pampublikong lugar, pagkakalat, paggala sa hindi tamang oras at jaywalking.
Ang mga police station na nakasita sa mga pasaway ay ang La Loma Police Station (PS 1) sa ilalim ni PLTCOL Camlon Nasdoman; Masambong Police Station (PS 2) sa ilalim ni PLTCOL Rodrigo Soriano; Talipapa Police Station (PS 3) sa ilalim ni PLTCOL Alex Alberto; Novaliches Police Station (PS 4) sa ilalim naman ni PLTCOL Rossel Cejas; Fairview Police Station (PS 5) sa ilalim ni PLTCOL Benjamin Gabriel Jr.; Cubao Police Station (PS 7) sa ilalim ni PLTCOL Giovanni Hycenth Caliao; Project 4 Police Station (PS 8) sa ilaim ni PLTCOL Jeffrey Bilaro; Galas Police Station (PS 11) sa ilalim ni PLTCOL Carlito Mantala; at ang Eastwood Police Station (PS 12) sa ilalim ni PLTCOL Romulus Gadaoni. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.