UMISKOR si Joel Embiid ng season-high 50 points at kumalawit ng 13 rebounds upang tulungan ang Philadelphia 76ers na pataubin ang Washington Wizards, 131-126, noong Miyerkoles ng gabi.
Si Embiid ay umabot sa 50 points sa ika-6 na pagkakataon sa kanyang career. Nagtala siya ng career-best 59 noong Nov. 13, 2022, laban sa Utah.
Ang reigning NBA MVP ay 19 of 24 mula sa field, naipasok ang 3-pointer sa dalawang attempts, at ibinuslo ang 11 sa 13 free throws. Nagbigay rin siya ng 7 assists at gumawa ng 6 turnovers sa loob lamang ng 38 minuto.
Nagdagdag si Tyrese Maxey ng 26 points at nagbigay rin ng 7 assists, at tumipa si De’Anthony Melton ng 18 points. Sa kanyang pagbabalik mula sa pagliban ng 11 laro makaraang mabundol ng sasakyan noong nakaraang Nob. 11 sa isang hit-and-run incident sa downtown Philadelphia, si Kyle Oubre ay kumamada ng 12 points sa loob ng 19 minuto.
Nanguna si Jordan Poole para sa Washington na may 23 points. Nahulog ang Wizards sa 3-17.
MAVERICKS 147,
JAZZ 97
Nagbuhos si Luka Doncic ng 40 points, 11 rebounds at 10 assists sa paglalaro sa loob lamang ng tatlong periods matapos ang first first-half triple-double ng kanyang career sa panalo ng Dallas kontra.
Naiposte ni Doncic ang kanyang 60th career triple-double upang malampasan si Larry Bird para sa solong ninth place sa career list. Ito ang unang 25-point first-half triple-double sa kasaysayan ng NBA.
Ito ang highest-scoring game ngayong season at 2 points ang kulang sa kanilang highest-scoring game sa regulation. Ang 52-point lead ng Dallas sa closing minutes ay isang puntos lamang ang kulang sa franchise record na naitala noong November 2014 sa 123-70 panalo kontra Philadelphia.
Nagdagdag si Kyrie Irving ng 26 points para sa Dallas. Nanguna si Ochai Agbaji para sa Utah na may 21 points.
CLIPPERS 111,
NUGGETS 102
Kumabig si Paul George ng 25 points at humabol ang Los Angeles upang gapiin ang Denver at putulin ang eight-game skid laban sa defending NBA champion Nuggets.
Umiskor si Jamal Murray ng 23 points para sa Denver. Kumana si Jokic ng triple-double na 22 points, 15 rebounds at 10 assists.
Ito ang unang talo ng Denver sa Clippers magmula noong Jan. 11, 2022. Nahulog ang Nuggets sa 5-8 sa road makaraang masayang ang 15-point lead sa opening quarter.
WARRIORS 110,
TRAIL BLAZERS 106
Nalusutan ni Stephen Curry ang mabagal na simula upang umiskor ng 31 points, lu
kumamada si Jonathan Kuminga mula sa bench ng 13 points at humabol ang Golden State Warriors para pataubin ang Portland Trail Blazers.
Dumakdak si Kuminga sa isang alley-oop mula kay Draymond Green, may 1:03 ang nalalabi, at ibinuslo ang lahat ng kanyang anim na field goals. Naagaw rin ni Kuminga ang bola kay Toumani Camara, may 29 segundo sa orasan at abante ang kanyang koponan sa 105-104
Umiskor si Anfernee Simons ng 28 points upang pangunahan ang Trail Blazers. Nagdagdag si Shaedon Sharpe ng 26 points, 6 rebounds at 5 assists, subalit nagmintis sa free throw, may 1:18 ang nalalabi.
Sa iba pang laro ay pinataob ng Grizzzlies ang Pistons, 116-102, at sinilo ng Nets ang Hawks, 114-113.