77 VOLCANIC EARTHQUAKES NAITALA SA BULKANG TAAL — PHIVOLCS

Phivolcs

NAKAPAGTALA ang  Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng  77 volcanic earthquakes sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa PHIVOLCS, indikasyon ito na mayroong magmatic activity sa Bulkang Taal na maaaring magdulot ng pagsabog sa main crater ng bulkan.

Dagdag pa rito, patuloy rin ang paglalabas nito ng puting usok na may taas na 50 hanggang 100 metro.

Gayunman, nananatili pa rin sa alert level 2 ang status ng Bulkang Taal. DWIZ 882

Comments are closed.