8.2 M TURISTA TARGET NG GOBYERNO 

DOT TRAVELS

TATARGETIN ng gob­yerno na makapanghikayat ng 8.2 milyong turista para ngayong taon na mas mataas sa naitalang 7.1 milyon noong 2018.

Bahagi ito ng pinalalakas na tourism campaign ng Department of Tourism (DOT) para maitagu­yod ang tourist destinations sa bansa.

Sa ginanap na briefing sa Malakanyang, kumpiyansa si Cabinet Secretary Karlo Nograles na maabot ng pamahalaan ang target ngayong taon.

Tinukoy ni Nograles, noong 2018 nang isinara ang Boracay sa loob ng ilang buwan ay naabot pa rin ang target nito.

At sa mga susunod na linggo, muling pasisinayaan ng DOT ang ‘It’s More Fun in the Philippines’ campaign na ngayon ay itataguyod na rin ang sustainable tourism.

Ani Nograles, tiwala ang gobyerno na uusad ang kampanya dahil sa pagsusumikap ng gob­yerno na mapaganda pa ang mga kasalukuyang tourist sites tulad ng Boracay.

Aniya, malaking tulong din ang ginagawa ng pamahalaan sa mga imprastraktura para sa sistema ng transportasyon sa bansa.

Comments are closed.