8.2M TURISTA TARGET NG DOT

Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat

PUNTIRYA ng Department of Tourism (DOT) na makahika­yat ng mahigit sa walong mil­yong turista ngayong taon.

Tiwala si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Pu­yat na mabilis lamang nilang maaabot ang target na bilang ng mga turista ngayong 2019 dahil halos taon-taon ay tumataas ang tourist arrival.

“We have the national tourism development plan and the target is 8.2-million tourists. That’s a 15 percent increase,” wika ni Puyat.

Pinuna ni Puyat na tumaas ng halos 7 percent ang bilang ng mga bumisitang turista sa bansa kahit sa mga panahong sarado ang Boracay Island.

Aniya, itinuturing nila itong ‘blessing in disguise’ dahil natuklasan ng maraming turista na hindi lamang ang Boracay ang mala-paraisong tourist destination sa Filipinas.

“Boracay gets about 1 million tourists a year. It was closed for six months at the height of the tourism season. And yet tourist arrivals in 2017 were 6.6 million, but still increased to 7.1 million (in 2018),” ani Romulo-Puyat.

“Even with the closure of Boracay, people discovered alternative destinations. They started going to Bohol, Siargao. People are going to La Union, Bicol. It’s actually a blessing in disguise,” dagdag pa niya.

Naniniwala rin ang kalihim na makatutulong ang mga bagong bukas na paliparan para matamo ang tourism goal.

Aniya, mahalaga sa turismo ang mga paliparan, lalo na sa Filipinas dahil ang bansa ay isang archipelago na nangangailangan ng kumbinyenteng uri ng transportasyon para makarating ang mga turista sa kanilang pupuntahan.

Napag-alaman na karamihan sa mga turistang bumibisita sa bansa ay Koreans, Chinese, Americans, Japanese, at Australians.

Ang turismo ay bumubuo sa 12.2 percent ng gross domestic product ng bansa.