8 CHINESE, PINOY KULONG SA PAGDUKOT

CAMP CRAME – ARESTADO ang walong dayuhan at isang Pinoy matapos dukutin ang mga kapwa nila Chinese sa magkahiwalay na operasyon sa San Ped­ro, Laguna at Parañaque City.

Sa unang operasyon ng PNP anti-kidnapping group sa San Pedro, Laguna, nailigtas nila ang biktimang si Li Fei Yu at Long Yong Lin na dumating sa Filipinas noong Nobyembre 13, 2019 para magtrabaho bilang mga computer technician sa Tian Rui Company,  isang POGO center.

Gayunman, nalaman ng dalawang biktima na hindi sumunod sa napag-usapang kontrata ang may-ari ng kompanya na si Jack Chan kaya nagdesisyon silang bumalik na sa China.

Pero sa halip na pabalikin ay ikinulong sila ng limang chinese at isang Filipino sa isang room sa San Pedro, Laguna at pinag-bubogbog.

Pinababayaran ng may-ari ng  kompanya ang nagastos sa kanilang pamasahe at accomodation sa Filipinas at pinapatapos ang anim na buwang kontrata.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Chen Kai En, 29, Wang Jian Xiong, 27, Mei Lin, 42, Jack Chan, 29, ang mayari ng kompanya na isang Mexican national, Ruohuang Chen, 21, at Ariel Carmona, ang pinoy na nagsilbing bantay at drayber ng grupo.

Kahapon ay isinailalim na sa inquest proceedings ang anim na suspek para sa paglabag sa kasong kidnap for ransom with serious illegal detention.

Samantala, sa Brgy. Sto. Niño, Parañaque City ay inaresto rin ang tatlong Chinese matapos na ikulong at pagbubugbugin ang isang Chinese na si Sha Shuo, 31 anyos.

Ayaw umanong payagan ng mga naarestong suspek na lumipat isa ibang kompanya bilang manager ng Mandarin Customer Service Company.

Kinilala ang mga naaresto na sina Go Xiong, 26, assistant manager ng kompanya; Wang Quingbo, 31; at Wang Weibin na isinailalim na sa inquest proceedings dahil sa paglabag sa kasong kidnap for ransom with serious illegal detention. REA SARMIENTO

Comments are closed.