CAVITE – WALO katao na nasa drug watchlist bilang couriers ang naaresto ng mga operatiba ng pulisya at mga tauhan ng PDEA 4A makaraang makumpiskahan ng P22.4k halaga na shabu sa isinagawang anti-drug operation sa bahagi ng squatter area sa Villa Esperanza, Barangay Molino 2, Bacoor City, kamakalawa ng gabi.
Isinailalim sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Vergilio “Bruce” Herrera y Vargas, 44; Jocelyn “Josie” Herrera y De Castro, 44; Ernesto “Kadong” Gades y Bagobe, 27; Sonny “Bebe” Alenea y Johol, 22; Ernie “Bonbon” Cotamora y Bulagao, 41; Carl Manzano y Catequista, 23; Marvin Morales y Chaves, 35; at si Marion “Mar” Mirasol y Molbog, 50, pawang nakatira sa nabanggit na barangay.
Base sa police report na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia, sinalakay ng mga awtoridad ang pinagkukutaan ng mga suspek na nakumpiskahan ng 7 plastic sachets ng shabu na 3.3 gramo na may street value na P22,440.00.
Ayon sa pulisya, nagkalat ang drug pusher sa nabanggit na lugar kung saan ang pangunahing suspek na si Bruce ay nagpapaka-lat ng shabu at pinatuyong dahon ng marijuana sa mga kabataan.
Isinailalim na sa drug test at physical examination ang mga suspek habang pina-chemical analysis naman ang nasamsam na sha-bu na gagamitin sa pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165. MHAR BASCO
Comments are closed.