SOUTH COTABATO-WALONG kawani ng city health office sa Koronadal City na tumatayong contact tracer ang positibo sa COVID-19 na kung saan nakasalamuha nito ang iba pang kasamahan sa city health sa lalawigang ito.
Ayon kay City Health Officer Edito Vego, isinailalim na sa 14-day quarantine ang 55 health personnel na sinasabing mga kasamahan ng walong nagpositibo sa COVID-19.
Dahil dito, nabawasan ng personnel ang City Health Office na nagsasagawa ng contact tracing sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa nasabing lungsod.
Sa kasalukuyan, nakapagtala ng 80 COVID-19 patients ang Koronadal City kaya’t kaagad na dinagdagan ng South Cotabato Provincial Health Office ang mga kawani ng CHO upang magpatuloy ang contact tracing operation.
Nabatid na nagpalabas ng bagong executive order si City Mayor Eliordo Ogena kung saan isinailalim na sa mas mahigpit na general community quarantine (GCQ) ang nasabing lungsod simula noong Setyembre 11 hanggang 25. MHAR BASCO
Comments are closed.