CAMP CRAME – INARESTO ng mga tauhan ng Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police ang mahigit 400 katao kasama ang 8 Israeli na sangkot sa online scam.
Sinabi ni ACG Chief Supt. Marni Marcos Jr, naaresto ang mga suspek kahapon ng umaga sa Clark Free Zone Pampanga.
Nagresulta ang operasyon matapos na magreklamo ang apat na Australian victims.
Ang mga naarestong indibiduwal ay nagpapatakbo ng International Branding Development Marketing Inc sa Clark Pampanga.
Modus ng mga suspek na engganyuhin ang biktima na mamuhunan sa bitcoin at isa ang nagreklmo na nakuhanan siya ng AUS107,000.
Sa pag-download ng application ay nakukuha ng mga ito ang information ng bibiktimahin na karaniwan ay nakabase sa ibang bansa. EUNICE C.
Comments are closed.