GENERAL SANTOS CITY – WALO katao ang nasugatan matapos sumabog ang isang improvised explosive device (IED) sa harap ng isang drug store sa lungsod na ito kahapon ng tanghali.
Ayon kay Supt. Aldrin Gonzales, tagapagsalita ng Police Regional Office-12, naganap ang pagsabog sa bahagi ng Crossing Makar sa Barangay Labangal bandang 11:40 ng umaga.
Aniya, hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng suspek na nag-iwan ng IED sa naturang drug store.
Ito na ang ikatlong naitalang insidente ng pagsabog ng IED sa Region 12 o Soccsksargen region sa loob ng isang buwan. EUNICE C.
Comments are closed.