8 NASAWI SA BAGYONG VICKY

vicky

WALO katao ang kinumpirmang nasawi  ng National Disaster Risk Reduction Management (NDRRMC) sa  pananalasa ng bagyong Vicky na sumira ng daang milyong halaga ng imprastraktura at mga pananim.

Ayon kay NDRRMC spokesperson Peter Paul Galvez, bukod sa walong nasawi ay nakapagtala rin ang ahensiya ng dalawang sugatan at isa naman ang idineklarang nawawala.

Sa huling situational report na inilabas ng NDRRMC, lubhang naapektuhan ang mga lalawigan ng Surigao del Sur, Surigao del Norte, Davao de Oro, Davao Oriental at Agusan del Sur.

Nakapagtala rin ang mga ito ng pagbaha at landslide sa CARAGA region.

Samantala, tinatayaang aabot sa P105 milyon ang iniwang pinsala ng bagyo sa mga imprastruktura sa Caraga.

Bukod pa rito, anim na road sections at isang tulay sa Eastern Visayas, Davao, at Caraga ang naapektuhan din ng paghagupit ni Bagyong Vicky.

Samantala, may ilang barangay naman ang nananatiling lubog sa tubig baha sa Region 2 partikular sa Cagayan, Isabela at Tuguegarao bunsod ng tuloy-tuloy na pag-ulan dala ng Amihan at tail end ofg the cold front. VERLIN RUIZ

Comments are closed.