8 SANGKOT SA DROGA KASAMA ANG LOLA TIKLO

MALABON CITY – WALONG hinihina­lang drug personalities, kabilang ang isang lola ang naaresto ng mga pulis matapos ang natanggap na tip hinggil sa illegal drug activities ng mga suspek sa lungsod na ito.

Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Jerry Basungit, dakong alas-5:30 ng hapon nang makatanggap ng tip mula sa kanilang impormante ang mga tauhan ng Malabon Police Community Precinct (PCP) 3 hinggil sa nagaganap na illegal drug activities sa kanto ng Block 18 at Hasa-Jasa St., Brgy. Longos.

Agad nirespondehan ng mga pulis ang naturang lugar at nahuli ng mga ito sa akto si Cora Cordero, 60-anyos na nagbebenta ng isang plastic sachet ng shabu sa kanyang buyer na naging dahilan upang arestuhin, habang nagawang makatakas ng kanyang kliyente patungo sa abandonadong compound na dating gina­gamit na parking lot ng trailer trucks.

Hinabol ng mga pulis ang tumakas na suspek na si William Batiansila, 40, hanggang sa makorner ito sa loob compound kung saan naabutan naman ang anim na drug users na sumisinghot ng shabu na nakilalang sina Darwin Valencia, 34, Dary Salvador, 23, Regie Marquez, 38, Rana Belen, 50, Dar-nel Armesis, 36, at Alexis Buoao, 26, na naging dahilan upang arestuhin din ang mga ito.

Narekober ng pulisya sa mga ­naarestong suspek ang limang transparent plastic sachets ng hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Kasong paglabag sa R.A. 9165 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Malabon City Prosecutors Office.  EVELYN GARCIA/ VICK TANES