80% NG SENIORS WALANG PENSION, MGA PINOY PINAG-IINVEST SA PERA

SENIORS

MAYORYA ng mga senior citizen sa bansa ang walang pensiyon o retirement fund, ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno.

“Based on the latest report of the Philippine Statistics Authority, the Philippines has around 7.6 million Filipinos aged 60 years old and above,” pahayag ni sa virtual launch ng digital Personal Equity Retirement Account (PERA), isang investment tool para sa retirement.

Ayon kay Diokno, sa mga senior ay 20% lamang ang tumatanggap ng pensiyon mula sa SSS (Social Security System) o GSIS (Government Service Insurance System).

Aniya, ang naturang retirees ay tumatanggap ng average monthly pension na P5,123 para sa SSS at P18,525 sa GSIS.

“Depending on the lifestyle you would like to have in your senior years, this pension may or may not be enough to meet all your needs,” sabi ni Diokno.

Upang matugunan ang kawalan ng pensiyon ng karamihan sa mga Filipino ay isinabatas ang Republic Act No. 9505 o ang PE-RA law upang magkaloob ng tax benefits habang hinihikayat ang pag-iipon ng pera sa pamamagitan ng pagkakaroon ng annual contributions sa kanilang sariling account.

Gayunman, ang implementasyon nito ay naantala dahil sa taxation at regulatory issues. Ang PERA ay unang inilunsad ng BSP noong 2016.

Ngayon ay target ng BSP na mahikayat ang may limang milyong Pinoy na mag-invest sa nasabing fund.

“After laying the foundation of a digital ecosystem for PERA, we are targeting to reach five million Filipinos in a period of five years, or what we call 5 in 5,” ani Diokno.

Magmula nang ipatupad ang PERA noong Disyembre  2016, ang retirement investment tool ay ‘un-derutilized’ kung saan 1,586 Pinoy lamang ang nag-invest sa programa.

Comments are closed.