800 PULIS PUMOSTE SA SC HALL PARA ISEKYUR ANG MGA RALIYISTA

MAYNILA – AABOT sa 800 pulis ang pumoste sa paligid ng Korte Suprema upang maging ligtas ang rally ng magkaribal na grupo, ang pro at anti-CJ Sereno.

Sinasabing naging maigting ang demonstrasyon ng dalawang grupo kasunod ng pagpapatalsik kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa botong 8-6 sa quo warranto na inihain ni Solicitor General Jose Calida.

Sinasabing sa tindi ng damdamin ay nagpang-abot na ang dalawang grupo subalit mabilis na naawat ng mga pulis.

Ipinag-utos naman ni National Region Police Office (NCRPO) Chief, Dir. Camilo Cascolan na magdagdag ng oras sa pagbabantay sa lugar  kahit pa hanggang alas-5 ng hapon lamang ang permit sa rally.

Layunin nito na matiyak na matiwasay ang lugar at maiwasan ang  anumang sakitan.

Kabilang sa hinagpis ng mga raliyista ay pigilan na tuluyang i-disqualify si Sereno habang sigaw naman ang anti-Sereno na  panaigin ng boses ng mamamayan at dapat na itong mag-resign.

Bilin naman ni Cascolan na irespeto ang karapatan ng bawat isa at inatasan ang mga pulis na ipatupad ang maximum tolerance.                         EUNICE C.

Comments are closed.