CAMP AGUINALDO – NANINIWALA ang Department of National Defense (DND) na positibo ang magiging resulta ng sinusulong na localized peace talk ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil na rin sa Balik-Loob Program ng gobyerno at E-Clip program.
Inihayag kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na umaabot na sa may 8,000 rebelde ang sumuko sa pamahalaan simula ng isulong ng gobyerno ang localized peace talks sa komunistang kilusan.
Ayon kay Lorenzana, tama ang naging pasya ni Presidente Duterte na ipagpatuloy na lamang ang localized peace talks, dahil nasa mga kanayunan ang labanan at iba’t iba ang dahilan ng mga rebelde sa bawat lugar kaya sila nag armas.
Tahasan ding sinabi ng kalihim na wala na ring kontrol ang exiled communist party leaders gaya ni Jose Maria Sison, na inilarawan niyang isang “armchair general,” sa mga NPA sa kanayunan.
Nagsimulang magsalong ng sandata ang mga rebeldeng NPA nang pasimulan ang localized peace talk kasabay sa E-Clip program ng gobyerno na isang whole of nation approach kung saan binibigyan ng tulong pinansyal ang mga dating rebelde para makapagsimula muli. VERLIN RUIZ
Comments are closed.