TINATAYANG nasa 80,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) na naapektuhan ng pandemyang COVID-19 ang inaasahang uuwi na ng Pilipinas sa susunod na taon.
Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) chief Hans Leo Cacdac, inaasahang magbabalik-bansa ang mga naturang OFW sa unang bahagi ng taong 2021.
Aniya, nasa kabuuang 370,000 OFWs na ang kanilang na-repatriate sa kasalukuyang taon.
Nasa 420,000 OFWs naman, ani Cacdac, ang nakatanggap na ng $200 o P10,000 cash aid mula sa gobyerno.
Magugunitang bahagi ng Bayanihan to Heal as Once Act at Bayanihan to Recover as One Act ang pamamahagi ng naturang ayuda. DWIZ 882
Comments are closed.