INIHAYAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) na umabot sa 81 Overseas Filipino Workers (OFWs) na mga pasyente ang naka-recover o gumaling sa COVID-19 mula sa Middle East.
Gayunpaman, sa report ng Foreign service post nakapagtala rin sila ng 28 kumpirmadong kaso ng COVID-19 mula sa tatlong mga bansa sa Asia, Pacific, Europa at Middle East.
Sa ngayon, may walong panibagong kaso naitala sa Asya at Pacific na kinumpirma ng Department of Health (DOH) sa pamamagitan ng International Health Regulations (IHR).
Kaugnay nito, aktibong sinusubaybayan ng mga DFA personnel ang kalagayan ng Filipino community sa ibang bansa at mga nagtatrabaho upang ligtas na ma-repatriates ang maraming OFWs na stranded pabalik sa bansa. LIZA SORIANO
Comments are closed.