814 PH ATHLETES SASABAK SA CAMBODIA SEA GAMES

BUMUO ang Philippine Olympic Committee (POC) ng 814-strong Team Philippines sa Cambodia 32nd Southeast Asian Games matapos ang dalawang consultative meetings sa national sports associations (NSAs) noong Lunes.

Ang Cambodia ay may nakaprogramang 49 sports para sa May 5-16 SEA Games kung saan target ng POC ang full participation ng bansa sa mga kumpetisyon na may nakatayang 608 gold medals — ang pinakamarami sa kasaysayan ng Games.

“It’s again a fighting team and the goal is to send the best full contingent as possible,” wika ni POC President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino sa second consultative meeting sa NSAs na ang sports ay nasa Cambodia program.

Nakipagpulong na ang POC sa mga kinatawan mula sa combat sports o martial arts noong nakaraang linggo, gayundin sa kanilang counterparts mula sa ball games at iba pang disciplines.

Kasama ni baseball chief Chito Loyzaga, chef de mission sa Cambodia Games, ang kanyang deputies na sina Leonora Escollante (canoe kayak) at Paolo Tancongquian (sambo) sa mga pagpupulong na idinaos sa East Ocean Garden Restaurant sa Pasay City.

Ang Pilipinas ay nagpadala ng 656 athletes na sumabak sa 38 sports sa Vietnam SEA Games noong nakaraang Mayo, habang ang bansa ay nagkaroon ng pribilehiyong magpasok ng halos isang libong atleta nang i-host nito ang 2019 edition kung saan itinanghal itong kampeon.

Ang entry by numbers per sports ay: dancesports 12, esports 45, fencing 24, fin swimming 9 gymnastics (aerobics at artistic) 13, jet ski 8, obstacle sports 20, sailing 8, triathlon 10, athletics 47, aquatics 39, diving 2, bodybuilding 15, cycling 28, weightlifting 14, water polo 26, badminton 16, basketball 32, billiards 12, cricket 15, floorball 40, football 46, golf 7, hockey 24, petanque 16, soft tennis 12, sepak takraw 22, table tennis 10, tennis 12, volleyball 28, beach volleyball 16, arnis 12, boxing 11, jiujitsu 6, judo 10, karate 19, kickboxing 12, kun bokator 9, muay 14, pencak silat 17, taekwondo 25, vovinam 28, wrestling 18 at wushu 20.