PATULOY ang pagbibigay ng serbisyong libreng sakay ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pasahero.
Sa kasalukiyan, umabot na sa mahigit 8,000 ang mga pasaherong naserbisyuhan ng libreng sakay program ng MMDA sa Quezon City.
Ayon sa MMDA, kabuuang 8,402 pasahero ang nakinabang sa ‘Libreng Sakay’ sa Commonwealth Avenue noong Oktubre.
Ang ruta nito ay mula sa Doña Carmen hanggang Welcome Rotonda at vice versa.
Nagdedeploy ang MMDA ng Libreng Sakay air-conditioned at non-air conditioned buses para sa mga pasahero na hirap sumakay sa lugar.
LIZA SORIANO