847.20 GRAMO NG MARIJUANA NAKUMPSKA NG BOC SA NAIA

marijuana

NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang P1.4 mil­yong halaga ng marijuana, kasabay ang pagkaaresto ng claimant ng parcel makaraang tangkain nitong kunin sa Central Mail Exchange Center (CMEC) noong Lunes ng gabi.

Ang may-ari na taga-San Juan, na hindi muna pinangalanan, ay nahuli noong Hulyo 1 habang kinukuha ang parcel na naglalaman ng 847.20 gramo ng marijuana.

Ayon kay Port of NAIA District Collector Mimel Talusan, ang nasabing apprehension ay naisagawa dahil sa patuloy na pagiging vigilant ng Customs NAIA team at sa pakikipagtulungan ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sinabi ni Collector Talusan na nadiskubre ang kush marijuana ng kanyang mga tauhan na nakatago sa loob ng tortilla chips package na nagmula sa Illinois, USA.

Dagdag pa ni Talusan, kakasuhan nila ang ang nahuling claimant dahil sa paglabag sa Section 117, 1400 at 1113 ng R.A. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) in relation to R.A. No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Aniya, ito ang ika-15 drug bust operation na isinagawa ng Customs NAIA sa taong ito, kabilang ang 44 drug seizures ng kanilang opisina magmula pa noong 2018.

Aniya, patuloy na pag-iibayuhin ng dalawang ahensiya ng pamahalaan (PDEA/ Customs) ang kanilang an-ti-drug surveillance, intelligence, sa pamamagitan ng paggamit ng x-ray units at iba pang equipment. FROI MORALLOS

Comments are closed.