CAVITE – UMAABOT sa 86 quarantine violators , 7 tulak-droga at 18 sugarol ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na overnight anti-criminality campaign sa ibat ibang bayan at lungsod sa lalawigan ng Cavite kamakalawa.
Base sa police report na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, aabot sa 7 durugista ang arestado sa isinagawang buy-bust operation sa Cavite City, Imus City at sa bayan ng General Mariano Alvarez.
Nasamsam sa mga suspek ang 13 plastic sachets na shabu, mark money at mga drug paraphernalia.
Samantala, umaabot naman sa 18 sugarol ang dinampot ng mga awtoridad makaraang maaktuhan sa illegal gambling tulad ng making at bilyar sa mga bayan ng Rosario at General Mariano Alvarez kung saan nakumpiska ang gambling paraphernalia at P1, 325 na bet money.
Dinampot naman ang 86 katao na lumabag sa quarantine community protocols na walang face mask, face shield, physical distancing at curfew hours kung saan nakatakdang mag community service.
Isinailalim na sa drug test ang 7 durugista habang inihahanda na ang kanilang ebidensya sa pagsasampa ng kakulang kaso sa Office of the City/Provincial Prosecutor.
Umapela naman sa publiko si Cavite provincial police director si Police Colonel Marlon Santos, panatilihin ang minimum health protocols sa panahon ng pandemya upang maiwasan ang pagkalat ng virus. MHAR BASCO
Comments are closed.